♥♥
♥
Friday, February 09, 2007
5:07 PM♥♥
My CAT teacher posted this very heart warming poem.:) Its written by Fr. Ariel Robles and I wanted to share it with you.:)
--
Sa aking pagtanda, unawain mo sana
ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng
kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan. Maramdamin ang isang
matanda. Nagse-self-pity ako tuwing
sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at
hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang
sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya
ka na, anak. Matanda na talaga
ako.
Kapag mahina na tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong tulungang
tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa
iyo noong nag-aaral ka pa lamang
lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung
ako man ay nagiging makulit at paulit
ulit na parang sirang plaka. Basta
pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana
akong pagtatawanan o pagsasawaang
pakinggan. Natatandaan mo anak noong
bata ka pa? kapag gusto mo ng
lobo,paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't
hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan
mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang
aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko. Madaling
magkasakit kapag nalamigan, huwag mo
sana akong pandirihan. Natatandaan mo
noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw
mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung
madalas, ako'y masungit, dala na
marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon,
magkwentohan naman tayo, kahit sandali
lang. inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap. Alam kong
busy ka sa trabaho, subalit nais kong
malaman mo na sabik na sabik na akong
makakwentohan ka, kahit alam kong
hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na
ako'y magkakasakit at maratay sa banig
ng karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo
na sana kung ako man ay maihi o madumi
sa higaan, pagtyagaan mo sana akong
alagaan sa mga huling sandali ng aking
buhay. Tutal hindi na naman ako
magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng
aking pagpanaw, hawakan mo sana ang
aking kamay at bigyan mo ako ng lakas
ng loob na harapin ang
kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag
kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka
sana … dahil naging mapagmahal ka sa
iyong ama't ina…
--
:)